Batikang filmmaker George Romero, pumanaw na

Pumanaw na ang batikang filmmaker na si George Romero dahil sa sakit na lung cancer.

Ito ang kinumpirma ng manager nito na si Chris Roe.

Si Romero ay pumanaw sa edad na 77 anyos.

Isinulat ni Romero ang pelikula na nagsimula sa serye ng mga zombies ang “Night of the Living Dead” noong 1968.

Kwento ni Roe, bago pa man bawian ng hininga si Romero ay huli nitong pinanood ang paboritong pelikulang “The Quiet Man”.

Kabilang sa direksyon at mga isinulat ni Romero ay pelikulang romantic comedy noong 1971 na “There’s Always Vanilla, vampire film Martin, at ang Stephen King adaptatioin Creepshow noong 1982.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *