Batangas makararanas ng power interruption mamaya


Makararanas ng power interruption ang ilang bahagi ng Batangas mamayang gabi.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ang power interruption mamayang alas-9:00 ng gabi hanggang alas-11:59 ng gabi dahil sa isasagawang maintenance activities sa Batangas-PLBSC 69 KV line.

Apektado rin nito ang   Batangas 2 Electric Cooperative, Inc (BATELEC II).

Tiniyak naman ng NGCP na gagawin nila ang lahat para agad na maibalik ang kuryente. 

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *