Bantang impeachment vs Robredo, walang basehan — Drilon – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Bantang impeachment vs Robredo, walang basehan — Drilon


Walang basehan ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang iginiit ni Senador Franklin Drilon matapos ang naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pinag-aaralan nito ang paghahain ng reklamo laban kay Robredo dahil sa ‘betrayal of public trust.’

Kasunod ito ng video message ni Robredo sa 60th United Nations Commission on Narcotic Drugs annual meeting sa Vienna, Austria kung saan ay iniulat ang higit pitong libo kataong namatay sa kampanya kontra-droga ng Administrasyong Duterte at ang ‘palit-ulo’ scheme ng Pambansang Kapulisan.

Naniniwala si Alvarez na dahil sa mga naging pahayag ni Robredo ay nagkaroon nang hindi magandang imahe ang Pilipinas.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *