Bakbakan ng mga sundalo at NPA, halos sabay sumiklab sa Albay at Camarines Sur


Halos sabay na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Balolo sa Guinobatan, Albay at Barangay Pinamihagan, Lagonoy, Camarines Sur.

Batay sa impormasyon ng militar, isang miyembro ng NPA ang naitalang patay sa engkuwentro sa Camarines Sur.

Narekober din umano sa pinangyarihan ng sagupaan ang apat na iba’t ibang uri ng baril, isang granada at mga dokumento.

Inaalam pa ng mga sundalo ang pagkakakilanlan ng namatay na rebelde samantalang patuloy naman ang isinasagawang pursuit operation sa Albay.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *