Bagyong Maring at Lannie, inaasahang lalabas na ng bansa

Palabas na ng Philippine Area of Responsilibity (PAR) ang bagyong Maring.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 270 kilometro Kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 74 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Habang ang bagyong Lannie naman ay huling namataan sa layong 610 kilometro Hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA, mamayang gabi hanggang bukas ng umaga inaasahang parehong lalabas ng bansa ang dalawang bagyo.

Wala na ring lugar ang nasa ilalim ng signal warning dahil sa bagyo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *