Bagong testigo sa Carl Arnaiz at Kulot killings, lumutang

May lumutang na bagong testigo na nakakita umano kay Carl Angelo Arnaiz at isang bata na pinaniniwalaang si Reynaldo “Kulot” De Guzman na nasa loob ng sasakyan ng pulis.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, boluntaryong nagtungo sa kaniyang tanggapan ang testigo na isang beinte uno anyos na lalaki noong Huwebes bagaman at hindi niya personal na nakausap.

Sinabi umano ng testigo na maliwanag niyang nakita ang hitsura ni Carl at nagkatinginan pa sila habang nasa loob ito ng sasakyan ng pulis at may tama ito sa may bandang ulunan na tugma sa autopsy report.

Samantala, ipagpapatuloy ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Lacson ang pagdinig kaugnay sa pagkamatay ni Kian Delos Santos, ang 17-anyos na pinatay sa Caloocan City.

Isasama na rin sa imbestigasyon ang pagkamatay ni Carl at ng kaibigan nitong si “Kulot.”

Inaasahang haharap din sa Senado ang taxi driver na sinasabing tinangkang holdapin ni Carl.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *