Baghdad, nanawagan sa U.S na pag-aralan ang desisyon na i-ban ang mga Iraqis na pumasok sa U.S


Nanawagan ang Baghdad sa United States na pag-aralang muli ang umano’y maling desisyon nito na pagbawalan ang mga Iraqis na pumasok sa U.S

Sa isang pahayag, sinabi ng Foreign Ministry ng Baghdad na ikinalulungkot nila na ang nasabing desisyon ay inilabas laban sa Allied States na may Strategic Partnership sa Amerika.

Hinikayat naman ng mga Iraqi Lawmakers ang Gobyerno ng Baghdad na mag-isyu rin ng parehong utos laban sa Amerika kung hindi babawiin ng huli ang naturang desisyon.

Magugunitang sumiklab ang mga pagtutol kontra sa Executive Order ni Trump na nagbabawal sa mga mamamayan ng Iraq, Iran, Syria, Somalia, Libya at Yemen na pumasok sa Amerika sa loob ng siyamnapung araw.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *