Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > ASG sa Bohol target matunton sa loob ng 3 araw

ASG sa Bohol target matunton sa loob ng 3 araw


Target ng militar na mahuli sa loob ng tatlong araw ang anim pang Abu Sayyaf members na nagtatago sa Bohol.

Sa pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, kapag hindi pa matunton ang mga ito ng mga awtoridad sa loob ng tatlong araw ay malamang na nakatakas na ang mga ito.

Pero kumpiyansa si Lorenzana na mahuhuli ang mga bandido.

Doble-kayod na ngayon ang Philippine National Police (PNP) at militar sa paggalugad sa buong isla ng Bohol para tugisin ang mga nagtatagong Abu Sayyaf.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *