Tuesday, April 25, 2017
Home > National News > ASG leader Radullan Sahiron gusto nang sumuko

ASG leader Radullan Sahiron gusto nang sumuko


Nagbibigay na umano ng surrender feelers o pahiwatig ng kagustuhang sumuko si Abu Sayyaf leader Radullan Sahiron.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Jo-Ann Petinglay, bukas naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibilidad na sumuko ito.

Naniniwala ang AFP na malaki ang mababawas sa problema ng militar kung susuko na si Sahiron.

Si Sahiron na ngayon ay pitumpung taong gulang na  ay wanted sa Amerika dahil sa labimpitong kaso ng pangingidnap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *