‘Armada’ ni Trump hindi nakadaong sa NoKor


Hindi dumaong sa North Korea (NoKor) ang US aircraft carrier at iba pang warships.

Matatandaang sinabi ng US Navy na patungong Korean Peninsula ang Carl Vinson strike group sa gitna ng tensiyon dahil sa missile tests ng NoKor.

Sinabi rin ni US President Donald Trump na nagpadala siya roon ng isang ‘armada.’

Pero napag-alamang lumapag sa Sunda Strait sa Indian Ocean ang nasabing warship.

Sa ngayon ay patungo na ang strike group sa Korean Peninsula.

Hindi naman malinaw kung sinadyang hindi makarating sa Korean Peninsula ang grupo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *