Appointment ni Lopez ibinasura ng CA


Ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Senador Manny Pacquiao, chairman ng CA Committee on Environment and Natural Resources, hindi naabot ni Lopez ang labintatlong boto para makumpirma ng CA.

Malaking isyung kinaharap ni Lopez ay ang pagkuwestiyon sa kanya sa pagpapasara sa mahigit dalawampung minahan at pagsuspindi sa lima pa noong Pebrero.

Hindi na maaaring muling italaga ng pangulo si Lopez matapos ang naging desisyon ng CA.

Si Lopez ang pangalawang Cabinet official na hindi kinumpirma ng CA; ang una ay si Perfecto Yasay, Jr. bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *