Año magsisilbi na bilang DILG secretary sa Hunyo 2


Magsisilbi na bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año sa Hunyo 2.

Paliwanag ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, kagabi ay kinausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte para i-extend si Año sa AFP pero ayaw ng pangulo.

Kailangang-kailangan na umano sa DILG si Año, ayon na rin sa pangulo.

Si Año ay mag-a-avail ng early retirement para magsilbi bilang hepe ng DILG.

Wala pa namang pinangangalanang kapalit ni Año sa AFP.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *