Angel Locsin, ipinagtanggol ng rumored boyfriend

Ipinagtanggol si Angel Locsin ng kanyang rumored boyfriend na si Neil Arce mula sa bashers.

Ilan kasi ang bumatikos sa aktres dahil sa pagdalaw niya sa mga evacuee sa Marawi City kamakailan.

Ayon kay Arce, inilagay ni Angel ang sarili sa panganib para lang makatulong sa iba.

Hindi rin naman aniya humiling si Angel ng permiso o proteksiyon sa pamahalaan o kaya ng media coverage nang gawin niya ang pagtulong sa evacuees.

Tinanong din ni Neil ang bashers kung mayroon bang ginawa ang mga ito para makatulong sa iba.

Tinawag naman ni Angel na “My Hero” si Neil dahil sa pagtatanggol nito sa kanya.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *