Wednesday, April 26, 2017
Home > Showbiz > Angel Locsin hindi na gaganap bilang ‘Darna’

Angel Locsin hindi na gaganap bilang ‘Darna’


Kinumpirma na ni Angel Locsin na hindi na siya muling makalilipad bilang “Darna.”

Paliwanag ni Angel, hindi na siya maaaring gumanap na “Darna” dahil sa muling pananakit ng kanyang spine.

Mismong ang training coach na raw ni Angel ang nag-report sa kanyang TV network na nakararamdam ulit siya ng pananakit ng likod.

Sinabi naman ng aktres na ayaw niyang madismaya ang fans na umaasang siya ang gaganap na “Darna” sa pelikula pero kailangan niyang tanggapin na hindi na niya ito magagampanan dahil sa kanyang kalagayan.

Tiniyak naman ni Angel sa kanyang fans na marami pa siyang ibang gagawing kaabang-abang na proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *