Andanar dumepensa sa pagkakabuwag ng SCO


Ipinaliwanag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar ang pagkakabuwag ng Strategic Communications Office (SCO).

Ani Andanar, layunin ng reorganization na mag-adjust sa bagong communications strategy na nagpo-promote ng polisiya ng ehekutibo.

Ang mga programa aniya gaya ng “Dutertenomics” at real numbers ang dahilan kung bakit kailangang tumulong ang PCO sa iba pang departamento.

Itinanggi rin ni Andanar na sinibak ang apatnapung tao dahil sa pagkakabuwag ng nasabing tanggapan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *