Alvarez sa mga kongresista: ‘Suportahan ang Martial Law’


Nanawagan ng suporta sa mga kasamahan sa Kamara si House Speaker Pantaleon Alvarez para sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Ipinaalaala rin ni Alvarez na ang kanilang magiging desisyon ang tutukoy sa magiging sagot sa mga susunod pang banta ng terorismo.

Dagdag pa ni Alvarez, dapat ay magkaroon ng ‘strategic’ at ‘decisive’ na sagot sa banta ng terorismo.

Sinabi rin ni Alvarez na dapat ay huwag nang ikumpara ang idineklarang Martial Law ni Duterte sa Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *