Albayalde ininspeksiyon ang ‘secret jail’ sa MPD Station 1


Nagsagawa ng ocular inspection si  National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa natuklasang ‘secret jail’ sa Manila Police District Station 1.

        Katuwang nito sa pag-iinspeksiyon si MPD Director Chief Superintendent Joel Coronel.

        Bago ang pagdating ng mga opisyal ay nilinis ang naturang kulungan at inalis na ang pintuan na bookshelf.

        Aminado si Albayalde na maging siya ay nasorpresa na may ‘tagong kulungan’ sa loob ng police station.

        Pinaiimbestigahan na ni Albayalde ang insidente at tiniyak na mananagot ang mga may kinalaman dito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *