Alaska nilampaso ng Hotshots sa overtime game


Bigo ang Alaska Aces na malusutan ang Star Hotshots kahit na nadala nila sa overtime ang laban nitong Miyerkules sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Mainit ang naging laban ng dalawang koponan na nagtapos sa iskor na 102-98.

Nagpaulan ng 35 puntos at 29 rebounds si Ricardo Ratliffe para sa panalo ng Hotshots samantalang nasayang naman ang 22 puntos ni Calvin Abueva para sa Aces.

Nagdagdag naman si Paul Lee ng 18 puntos samantalang 10 at 12 puntos naman ang idinagdag nina Justin Melton at Ian Sangalang.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *