Thursday, April 27, 2017
Home > News & Update > Agricultural bills, naghihintay na lamang ng lagda ni PNoy

Agricultural bills, naghihintay na lamang ng lagda ni PNoy

VillarHinihintay na lamang ng ilang panukalang batas sa agrikultura ang lagda ng Pangulo bago ito pakinabangan ng mahigit 11.8-M farm workers at fisherfolks, ayon kay Sen. Cynthia Villar.

Sinabi ni Villar, chair ng Senate Committee on Agriculture and Food, na wala siyang nakikitang dahilan para i-veto ng Pangulo ang mga panukalang batas dahil matitiyak ng mga ito na mapangangalaan at mapananatili ang mga nakamit ng kasalukuyang administrasyon.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2923 o ang Anti Large-Scale Agricultural Smuggling Act, ang halaga ng smuggled agricultural product upang maging economic sabotage ay hindi dapat bababa sa P10-M para sa bigas at P1-M o higit pa para sa mga produktong pang agrikultura.

Ipinahayag ni Villar na mahalaga ang pagpasa sa mga batas na makatutulong sa agrikultura at sektor ng pangingisda bunga na rin ng pinakahuling poverty statistics kung saan nakasaad na ang mga mangingisda ang may pinakamataas na poverty incidence.

Ulat ni: JANET AFRICANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *