Saturday, April 29, 2017
Home > National News > AFP tumangging magkomento sa pagtatayo ng China ng istraktura sa Panatag Shoal

AFP tumangging magkomento sa pagtatayo ng China ng istraktura sa Panatag Shoal


Tikom ang bibig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapipigilan ang China na magtayo ng istraktura sa Panatag Shoal.

Mainam na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na lang umano ang tanungin tungkol dito.

Nabatid na sinabi ni Duterte sa isang talumpati na walang dahilan para magdeklara siya ng giyera sa China dahil nakatutulong ito sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Bukod dito, sinabi rin ng pangulo na mauubos lamang ang hanay ng pulisya at militar sakaling magdeklara ng giyera sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *