Thursday, April 27, 2017
Home > Provincial > AFP pinalakas pa ang pwersa sa Sulu

AFP pinalakas pa ang pwersa sa Sulu

Pinalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang puwersa sa lalawigan ng Sulu.

Kasunod ito ng pag-dedeploy ng karagdagang tropa ng AFP sa Sulu kung saan nagpapatuloy ang pinaigting na operasyon ng militar laban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Base sa ulat ng AFP, umaabot na sa dalawampu’t dalawang (22) mga Abu Sayyaf ang napatay sa nagpapatuloy na focused military operation laban sa bandidong grupo.

Habang labing pitong (17) sundalo naman ang naitalang sugatan matapos tamaan ng M203 shrapnel’s.

Tiniyak naman ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya na ipapagamit niya ang lahat ng resources at assets ng militar sa kanilang tropa sa Sulu para ganap na ma-neutralized ang mga bandido.

Magugunita na inatasan ni Pangulong Duterte ang AFP na tugisin at lipulin ang mga ASG matapos ang pagpugot ng mga ito sa isang labing walong (28) taong gulang na kanilang hostage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *