AFP at NPA, nagkasagupaan sa Zambo Norte; 15 ied narekober

Naka-engkuwentro ng militar mula sa 20th Special Forces Company kasama ang ilang tropa ng gobiyerno ang may apatnapung miyembro ng New People’s Army sa barangay Titik, Leon Postigo, Zamboanga del Norte.

Nangyari ang bakbakan habang nagsasagawa ng security patrol ang mga miyembro ng CAA, CAFGU at mga sundalo ng makasagupa ang mga rebeldeng npa.

Nakarekober naman ng labinlimang improvised explosive device (IED), tatlong rounds ng 40mm m203 ammo ang militar mula sa rebeldeng NPA kasama ang ilang mahahalagang dokumento.

Wala namang naiulat na casualties sa hanay ng militar.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *