AFP naka-full alert sa posibleng pagpasok ng ASG sa Palawan


Naka-full alert ang mga tropa ng pamahalaan sa Palawan matapos makatanggap ng impormasyon na ito naman ang target pasukin ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ipinakalat na rin umano ang air at land assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para magpatrolya sa posibleng entry points ng grupo.

Sa kabila ng nasabing impormasyon, sinabi ng Western Command na wala pang namamataang presensiya ng mga bandido sa lugar.

Pinapayuhan naman ang mga residente na maging alerto at agad iulat ang mga kahina-hinalang indibidwal at aktibidad.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *