AFP bumuo ng board of inquiry sa pumalyang airstrike sa Marawi


Bumuo na ng board of inquiry ang militar para malaman kung ano ang nangyari sa pagkamatay ng nasa sampung sundalo sa airstrike ng gobyerno sa Marawi City.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla na tinitingnan nila ang posibleng equipment failure o human error sa nangyari.

Ani Padilla, pumalya ang isa sa isinagawang airstrike ng eroplanong SF260 sa hindi pa malamang rason.

Hindi na rin aniya pinayagang makalipad pa ang pilotong responsable sa nasabing airstrike.

Gayunman, hindi aniya ito nangangahulugang may kasalanan ang piloto.

Pangungunahan ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año ang board of inquiry.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang militar sa kaanak ng mga nasawing sundalo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *