9th straight wins nasungkit ng Warriors vs Spurs


Naitala ng Golden State Warriors ang kanilang ikasiyam na sunod na panalo sa National Basketball Association (NBA) matapos talunin ang San Antonio Spurs sa score na 110-98.

Pinangunahan ni Stephen Curry ang Warriors sa kanilang come from behind win na 29 points at 11 assists samantalang kumamada naman si Klay Thompson ng 23 points.

Bumida para sa Spurs si Kawhi Leonard na gumawa ng 19 points.

Itinanghal naman na pinakabatang coach na nakakuha ng 200 wins si Warriors Head Coach Steve Kerr.

Sunod na makahaharap ng Warriors ang Houston Rockets sa Sabado.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *