9 patay,  sa flash flood sa Arizona

Siyam katao ang patay kabilang ang dalawang bata sa flashflood sa US State of Arizona.

Ayon sa ulat ng Associated Press News Agency, higit isandaang katao ang nasa swimming hole nang bumuhos ang baha dala ng thunderstorm at tangayin ang mga tao patungong East Verde River.

Patuloy pa umano ang search operation sa tatlong tao na nawawala.

Naglabas na ng flash flood alert ang National Weather Service sa Arizona dahil sa inaasahang pagbuhos pa ng malakas na ulan sa susunod na linggo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *