DOJ, nagtalaga ng OIC sa BuCor

Pinangalanan na ng Department of Justice ang OIC o officer-in-charge matapos na nagbibitiw sa pwesto noong isang linggo si dating police general Benjamin delos Santos bilang hepe Bureau of Corrections (BuCor) kasunod na rin ng alegasyon ng panunumbalik ng droga sa Bilibid.

Itinalaga ng DOJ si Rey Raagas, chief ng administrative division ng BuCor bilang OIC ng BuCor hangga’t wala pang nakukuhang papalit sa binakanteng pwesto ni delos Santos.

Samantala sinabi ni  justice undersecretary Erickson Balmes na naisumite na rin sa tanggapan ng pangulong duterte ang formal recommendation para kay Ret. Gen. Dionisio Santiago bilang kapalit ng nagbitiw si delos Santos.

Biyernes naman ay naglabas pa ng department order ang DOJ na nag-uutos kay delos Santos na manatili muna sa puwesto hangga’t wala pa itong nagiging kapalit.

Pero nanindigan si delos Santos sa kanyang irrevocable resignation at hindi na na daw siya babalik sa kanyang dating puwesto sa BuCor.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *