8 patay sa suicide bombing sa Afghanistan


Patay ang walo katao samantalang dalawampu’t lima ang sugatan sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa mga awtoridad, pinasabugan ang convoy ng NATO-led Resolute Support Mission.

Sa lakas ng pagsabog, nawasak ang mga sasakyang malapit sa pinangyarihan ng suicide bombing.

Nangyari ang pag-atake matapos ang ginawang pagbabanta ng Taliban na tatargetin ang mga dayuhang nasa Afghanistan.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *