60 speed boats inaasahang madadagdag sa mga bagong military assets sa Mindanao


Inaasahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na madadagdag sa kanilang mga bagong assets ang animnapung speed boats.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr., commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), na kasama sa iprinisinta niya sa listahan ng kanilang ‘capability development program’ kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang 60  speed boats.

Ang naturang bilang ng speed boats ay ilalagay sa anim na binuong joint task force ng militar sa Western Mindanao para gamitin sa mga piracy incident sa malawak na karagatan ng rehiyon.

Kabilang sa mga tinutukoy ni Galvez na makatatanggap ng speed boats ay ang Joint Task Force Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, Zamboanga, Zampelan at ang Joint Task Force Central.

Ayon kay Galvez, maglalagay siya ng 10 speed boats sa kada-joint task force.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *