48 bagong bagon ng MRT-3, hindi pa magagamit


Hindi pa magagamit ang 48 bagong bagon ng MRT-3 sa loob ng isa’t kalahating taon.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for the Rail Sector Cesar Chavez, kailangan munang maresolba ang ilang isyu bago magamit ang mga bagon.

Isa aniya sa mga ito ay ang kakulangan sa sapat na suplay ng kuryente ng MRT-3 para mapatakbo ang apatnapu’t walong bagon.

Hindi pa rin umano tapos ang pagsasaayos ng mga riles at ang signaling system para sa mga bagong tren.

 

Ang mga bagong bagon ay bahagi ng P3.8 bilyong kontrata sa Chinese companies na Dalian Locomotive Corp. at Rolling Stock Co. noon pang 2014.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *