Thursday, April 27, 2017
Home > Metro News > 4 na vintage bombs nahukay sa ginagawang kalsada sa QC

4 na vintage bombs nahukay sa ginagawang kalsada sa QC


Aksidenteng nahukay sa ginagawang kalsada sa Maria Clara Street, Barangay San Isidro Labrador, Quezon City ang apat na vintage bombs, Lunes ng gabi.

Nagsasagawa ng maintenance work sa nasabing lugar nang tamaan ng matigas na bagay ang gamit na backhoe.

Ayon kay PO3 Marvin Manalo ng CPD Station 1 Explosive Ordinance Disposal (EOD), inaalam  pa nila kung anong klaseng bomba ang nahukay at kung may potensiyal pang sumabog ang mga ito.

Mahalaga naman aniya na hindi sumabog ang mga bomba nang tamaan ang mga ito ng dulo ng backhoe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *