4 na tulak ng droga huli sa QC


Arestado ang apat na tulak ng droga sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Target ng operasyon ang magkapatid na Rere at Ryan Umadhay, isang alyas “Camille” at isang Lucky Enriquez.

Nakatakas naman ang dalawa pang target na sina alyas “Freddie” at alyas “Espando.”

Aminado naman si PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva na kahit walking distance lamang sa kanilang tanggapan ang naturang barangay ay hindi madaling masugpo ang kalakaran ng droga sa lugar.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *