4 na tauhan ng QCPD, sibak dahil sa pagnanakaw at pangingikil


Tinanggal na sa kanilang katungkulan ang apat na pulis matapos na ireklamong nagnakaw at nangikil umano sa isang motorista.

Ayon kay QCPD Acting Director Senior Superitendent Guillermo Lorenzo Eleazar, nagmamaneho sa bahagi ng Commonwealth Avenue ang biktimang si Rex Macabeo Jr. nang harangin ng isang police mobile.

Pinababa umano ng mga pulis si Macabeo at pinilit na halungkatin ang kaniyang sasakyan.

Nang makita umano ang isang bolo sa loob ng sasakyan, nagsimula na daw takutin ng mga ito ang biktima na kung hindi magbibigay ng pera ay labindalawang taon daw itong magdudusa sa loob ng kulunga.

Pinilit pa umano ng pulis si Macabeo na magbigay ng pera bago siya pakawalan ngunit pagdating sa kaniyang bahay, doon na umano nito napag-alaman na nawawala na ang tatlumpung libong pisong nakatago sa kaniyang sasakyan.

Sa sumunod na araw, nagsampa na ng kaso sa QCPD Criminal Investigation and Detection Unit si Macabeo laban sa apat na pulis.

Kasalukuyan namang nakakulong sa District Headquarters Support Unit o DHSU sa Camp Karingal ang mga suspek na sina PO3 Teodoro Morales, PO3 Drazen Calix, PO2 Juan De Asis Jr., at PO1 Philip John Laylo, pawang mga tauhan ng District Public Safety Batallion – Tactical Motorized Unitare.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *