4 na domestic flights sa NAIA kanselado


Kanselado ang apat na domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flight 2P 2084 at 2085 ng PAL Express at M8 816 at 817 ng Skyjet na Manila-Basco-Manila.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang mga ticket.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *