4 na barangay sa Misamis Oriental, isinailalim sa state of calamity

Isinailalim sa state of calamity ang apat na barangay sa Opol, Misamis Oriental dahil sa umano’y recruitment ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Opol Mayor Maximo Seno, nasa 107 pamilya o 449 na indibidwal mula sa apat na barangay ang nagsilikas sa evacuation center dahil na rin sa takot at pangha-harass ng mga rebelde.

Binabayaran aniya ang mga residente ng NPA upang sumali sa kanilang grupo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *