Thursday, April 27, 2017
Home > National News > 4 katao, natabunan matapos gumuho ang itinatayong gusali sa Antipolo

4 katao, natabunan matapos gumuho ang itinatayong gusali sa Antipolo

Patuloy pang pinaghahanap ang tatlo sa apat na manggagawa na natabunan sa gumuhong gusali sa Cogeo, Antipolo City.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Antipolo City Risk Reduction Management Office – OIC Xavier Baldoz, sinabi nito na isa sa apat na manggagawa ang agad nang isinugod sa ospital matapos marescue habang pinaghahanap pa ang tatlo nitong kasamahan.

Ayon kay Baldoz, ika-8:30 ng umaga kanina nang gumuho ang kinatatayuang lupa ng mga manggagawa habang naglalagay ng bakal sa itinatayong gusali.

Isa umanong commercial building ang itinatayo sa naturang lugar.

Sapat naman aniya ang mga kagamitan para ma-retrive ang mga biktima at naka-standby na rin ang mga ambulansya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *