3rd warship ng PH Navy, darating sa Disyembre


Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang ikatlong cutter ng Philippine Navy mula sa Estados Unidos.

Hulyo ng ilipat sa Philippine Navy ang barko sa pamamagitan ng US Excess Defense Articles Program.

Ayon kay Philippine Navy Public Affairs Office Chief Captain Lued Lincuna, ipinangalanan nila ang nasabing barko sa bayaning si Andres Bonifacio.

Ang BRP Andres Bonifacio ay may walumpung crew na sumailalim sa pagsasanay sa Alameda, California.

Ito ang ikatlong cutter ng Philippine Navy, ang una ay ang BRP Gregorio Del Pilar at BRP Ramon Alcaraz.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *