3 kapitan ng barangay sa QC inireklamo ng MMDA sa Ombudsman


Tatlong kapitan ng barangay ang inireklamo ng ‘neglect of duty’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Ombudsman.

Kabilang sa sinampahan ng administrative case ay sina Kapitan Teodoro Calaunan, Sr. ng Brgy. West Crame, Jesus Lipnica, Jr. ng Brgy. Piñahan at Telesforo Mortega ng Brgy. San Roque District III.

May kinalaman ang nasabing reklamo sa hindi umano pakikipagtulungan ng mga nasabing lokal na opisyal sa kampanya kontra-illegal parking.

Una nang inireklamo ng MMDA sa Ombudsman ang tatlo pang kapitan ng barangay sa Quezon City at isa naman mula sa Parañaque.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *