3 BIFF patay sa engkuwentro sa pagitan ng militar sa Cotabato


Patay sa engkuwentro ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Cotabato.

Naganap ang bakbakan sa pagitan ng BIFF at ng pinagsanib na puwersa ng militar at CAFGU dakong alas-dos beinte kahapon ng hapon.

Nakilala ang mga napatay na sina Tarzan Buntasil, Kensem Dungandong at Rusman Salik Mohammad.

Nabatid na ang mga nasawing BIFF ay kabilang sa mga pumuga sa Cotabato District Jail sa Barangay Amas, Kidapawan City at mga tauhan ni Kumander Arpie ng BIFF.

Tumagal nang isang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig dahilan upang magsilikas ang mga residente.

Narekober ng militar sa lugar ng pinangyarihan ang matataas na uri ng armas at bala.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at mga CAFGU ang grupo ni Kumander Arpie.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *