27 EU member states ipinatawag para sa special Brexit summit


Ipinatawag na ni European Union (EU) Council President Donald Tusk ang dalawampu’t pitong EU members para sa special Brexit summit.

Nakatakda itong ganapin sa Abril 29, isang buwan matapos ang plano ng Britain na i-trigger ang Article 50 para isakatuparan ang pagkalas sa EU.

Sinabi ni Tusk na ang Brexit guidelines ay magbibigay sa lahat ng EU member states ng kalinawan kung paano isasagawa ang Brexit talks.

Hindi naman kasali ang Britain sa mga inimbitahan para sa nasabing summit.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *