26 na paketeng shabu nakumpiska sa isang preso ng DCDJ – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

26 na paketeng shabu nakumpiska sa isang preso ng DCDJ


Dalawampu’t anim na pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng labintatlong libong piso ang nakumpiska mula sa isang preso ng Dumaguete City District Jail (DCDJ).

Nadiskubre ang mga shabu sa maliit na bag na dala-dala ng nasabing preso samantalang nag-iigib ito ng tubig.

Nakuha rin dito ang isang lighter at isang cellphone.

Ayon sa isang prison guard na si Inspector Rolly Bandeling, nakalulusot ang iligal na droga sa loob ng nasabing kulungan kaya naglagay sila ng surveillance camera.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *