Thursday, April 27, 2017
Home > International News > 22 katao, arestado sa iligal na pagpasok sa border ng Canada

22 katao, arestado sa iligal na pagpasok sa border ng Canada


Dalawampu’t dalawang katao ang nahuling iligal na tumatawid sa border ng Canada sa Probinsiya ng Manitoba.

Ayon sa Canada Border Services Agency, dumarami ang mga taong pumupunta sa Canada kahit pa sa mapanganib na kondisyon.

Nangangamba umano ang karamihan sa refugees para sa kanilang seguridad at buhay dahil sa travel ban at Immigration Policy ni US President Donald Trump.

Una nang sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na bukas ang kanilang bansa para sa mga refugees.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *