2017 SEABA U-16 title nasilat ng Batang Gilas


Nasungkit ng Batang Gilas Pilipinas ang 2017 SEABA Under-16 Championship matapos tambakan ang koponan ng Malaysia sa iskor na 83-62.

Ito na ang ikaapat na SEABA Under-16 Championship title ng Pilipinas.

Tig-labinlimang puntos ang ipinoste nina Kai Sotto, RC Calimag at Terrence Fortea para sa Batang Gilas.

Pinangunahan naman ni Teoh Yi Kang ang Malaysian Team sa kanyang 19 points.

Dahil dito, kapwa pasok ang Batang Gilas at ang koponan ng Malaysia para sa 2017 FIBA Asia U-16 Championship.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *