20 patay matapos mabagsakan ng puno sa Ghana – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

20 patay matapos mabagsakan ng puno sa Ghana


Dalawampu ang patay matapos mabagsakan ng isang malaking puno sa isang sikat na waterfall spot sa Ghana, Africa.

Lumalangoy ang mga biktima sa lugar sa kasagsagan ng isang bagyo nang mangyari ang aksidente.

Pinabagsak ng bagyo ang nasabing puno na nasa Kintampo Waterfalls.

Karamihan sa mga biktima ay mga estudyante samantalang ang ilan naman ay mga turista.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *