2 sundalo sugatan sa pagsabog ng IED sa Maguindanao


Sugatan ang dalawang sundalo matapos sumabog ang hinihinalang improvised explosive device (IED) Sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Private First Class Agudo at Private Saravia na agad dinala sa Integrated Provincial Health Office sa Maguindanao.

Napag-alamang nagsasagawa ng route security patrol sa lugar ang 40th Infantry Battalion nang mangyari ang insidente.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang clearing operations sa lugar.

Inaalam din kung anong uri ng IED ang pinasabog at kung sino ang nasa likod nito.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *