Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > 2 miyembro ng ASG arestado sa Zamboanga Sibugay

2 miyembro ng ASG arestado sa Zamboanga Sibugay


Dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Barangay Tiayon, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang mga naaresto na sina Abduraman Sakilan, 28-anyos at Pujik Ismael, 21-anyos.

Nabatid na sangkot sina Sakilan at Ismael sa pagpatay sa isang intelligence ng 44th Infantry Battalion at sa engkuwentro laban sa pulisya.

Narekober sa mga suspek ang isang .45 caliber na baril, isang granada kasama ang sampung sachets ng hinihinalang shabu at marked money na nagkakahalaga ng limang libong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *