2 lider ng Abu Sayyaf, patay sa operasyon ng militar at pulisya sa Tawi-Tawi


Patay ang dalawang matataas na lider ng Abu Sayyaf sa isinagawang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Tawi-Tawi.

Kinilala ang mga napatay na sina Ninok Saparri at Mahdi Abduhraman.

Ayon kay  Autonomous Region in Muslim Mindanao  (ARMM) Regional Director Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, unang napatay si Abduhraman sa Barangay Pahut, Bongao, Tawi-Tawi.

Kasunod namang napatay si Saparri matapos ang hot pursuit operations.

Samantala, arestado naman ang kasamahan ni Saparri na kinilalang si Yasser Anji na ngayon ay nasa kustodiya na ng ARMM-PNP.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *