Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > 2 drug suspects patay sa buy-bust ops sa Bulacan

2 drug suspects patay sa buy-bust ops sa Bulacan


Patay ang dalawang drug suspects matapos umanong manlaban sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Mojon sa Malolos, Bulacan.

Ayon sa mga awtoridad, matagal nang sinusubaybayan ang mga suspek dahil sa sumbong ng mga opisyal ng barangay at mga residente sa lugar.

Tinangka rin umanong hagisan ng granada ng mga suspek ang mga pulis kaya ito binaril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa mga posible pang kasabwat ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *