2 bilyong bata, nakakalanghap ng “toxic” hangin – UNICEF


Dalawang bilyong bata sa buong mundo ang nakakalanghap ng “toxic” na hangin, ayon sa UNICEF.

Karamihan umano sa mga apektado ng nakakalasong hangin ay nasa timog asia partikular sa India.

Ayon sa UNICEF, delikado sa baga, utak at iba pang parte ng katawan ang nalalanghap na hangin ng mga bata.

Nasa animnaraang libong bata umano na nasa edad lima pababa ang namamatay dahil sa polusyon.

Inabisuhan naman na ng mga otoridad sa india ang mga resdiente doon na manatili na lang sa loob ng kanilang bahay dahil sa mataas na pollution level.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *