2 bagong kaso ng Zika, naitala sa Cavite


Dalawang panibagong kaso ng Zika Virus ang kinumpirma ng Department of Health.

Ang dalawang panibagong kaso ay naitala sa Cavite.

Ayon kay DOH Undersecretary Gerardo Bayugo, isang batang lalaki at isang matandang babae ang nakakuha ng sakit.

Pero ayon kay DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag, magsasagawa pa rin sila ng karagdagang medical test at imbestigasyon sa dalawang bagong kaso.

Hindi pa rin umano nadadala sa ospital ang dalawa.

Sa kabuuan, mayroon nang 19 na kaso ng Zika Virus sa bansa na naitala ang DOH.

12 rito ay mula sa Western Visayas, 3 sa Metro Manila, 3 sa Calabarzon, at 1 mula sa Central Visayas.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *